Idineklara ng Malakanyang ang Aug. 5, 2024, araw ng Lunes, bilang special (non-working) day sa Calbayog City.
Sa proclamation no. 637 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay bilang paggunita ng lungsod sa birth anniversary ni dating Senate President Jose Dira Avelino.
ALSO READ:
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Si Avelino na isinilang noong Aug. 5, 1890 sa Calbayog, Western Samar, ang unang pangulo ng senado matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang pagdedeklara ng espesyal na araw sa lungsod ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na ipagdiwang ang naturang okasyon.