ITINUTURING nang Number 1 Most Wanted sa buong Pilipinas ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
Sa press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla akusado si Ang sa pagkawala at pagpanaw ng higit isandaang sabungero.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
PNP-CIDG, may panawagan sa puganteng si Charlie “Atong” Ang
Ani Remulla mayroon nang patong na 10 million pesos sa ulo ni Ang.
Ang pondo para sa reward ay kukuhanin sa Budget ng DILG.
Binanggit din ng kalihim na itinuturing na mapanganib si Ang dahil armado ito at maraming bodyguards.
Samantala, hihilingin na ng pamahalaan sa Interpol na magpalabas ng Red Notice sa negosyanteng si Charlie Atong Ang.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, wala pang impormasyon na nakalabas na ng bansa si Atong Ang.
Gayunman, habang maaga, hihiling na sila ng Red Notice para sa negosyante.
Sinabi ni Remulla na kahit ang pagdaan sa backdoor ay mahihirapang gawin si atong ang dahil may mga asset din ang PNP na maaaring makapagbigay ng impormasyon.
Hihilingin na din ng DILG sa Department of Justice na maglabas ng Hold Departure Order kay ang para sa katiyakang hindi siya makalalabas ng bansa.
Muli ay umapela si Remulla kay Ang na kusa nang isuko ang sarili sa mga otoridad.
