NAGLABAS na ng Subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at ilan pang indibidwal, kaugnay ng kasong Murder na isinampa sa kanila ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, sinimulan nang isilbi ng mga awtoridad ang mga Subpoena noong Martes ng gabi.
ALSO READ:
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Inihayag din ng DOJ na inisyuhan din ng Subpoena si Dating National Capital Region Police Office Chief, Retired Police Lt. Gen. Jonnel Estomo at labing walo pang mga pulis.
Ito ay para sa Preliminary Investigation laban sa mga nabanggit na personalidad bunsod Serious Illegal Detention at Multiple Murder.
Itinakda ang unang Hearing sa Sept. 16, araw ng Martes.