PINARANGALAN ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga Pilipinong atleta na kumatawan sa bansa sa Asian Youth Games sa Bahrain, dahil sa kanilang Record-Breaking Performance.
Nagtapos ang Team Philippines sa 12th Place mula sa apatnapu’t limang bansa, matapos makasungkit ng pitong Gold, pitong Silver, at sampung Bronze Medals.
Bilang pagkilalala sa ipinakitang husay at galing, inaprubahan ng PSC Board ang 500,000 pesos na Cash Incentive para sa Gold Medalists; 300,000 pesos para sa Silver Medalists; at 100,000 pesos para sa Bronze Medalists.
Samantala, magbibigay naman ang POC ng 250,000 para sa mga atletang nakapag-uwi ng Gold; 150,000 pesos para sa Silver; at 75,000 pesos para sa Bronze Medalists. Nanguna sa Medal Table ang China na mayroong 63-49-35 Tally; sumunod ang Uzbekistan na may 37-16-28 at Kazakhstan na may 24-29-40.




