INANUNSYO ng Metro Manila-Headquartered Multilateral Lender na Asian Development Bank (ADB) ang pagbabago sa kanilang liderato.
Simula kahapon ay epektibo ang Appointment ni Andrew Jeffries bilang Country Director sa Pilipinas.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Pangungunahan ni Jeffries ang operasyon ng ADB sa bansa na may estimated 13-Billion Dollar Active Portfolio.
Pangangasiwaan din nito ang implementasyon sa Pilipinas ng Country Partnership Strategy 2024-2029, gayundin ang relasyon ng ADB sa gobyerno, pribadong sektor, at Development Partners.
Unang nagsilbi si Jeffries bilang ADB Country Director sa Vietnam mula 2020 hanggang 2023, direktor ng Southeast Asia Energy Division mula 2016 hanggang 2020, at head ng Energy Sector Operations ng ADB sa India mula 2013 hanggang 2016.