NA-DETECT ang ash emission sa summit crater ng Kanlaon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Unang na-obserbahan ang emission 5:35 p.m. kahapon at nagpatuloy hanggang 6:41 p.m.
Sinabi ng Phivolcs na nag-generate ang aktibidad ng grayish plumes na may taas na 75 meters mula sa bunganga ng bulkan, at tinangay pa-kanlurang direksyon.
Nananatili ang bulkang Kanlaon sa ilalim ng alert level 3, indikasyon ng mataas na lebel ng volcanic unrest.