PINATAWAN ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Arwind Santos ng mabigat na parusa matapos suntukin si Tonton Bringas sa mukha, sa game sa pagitan ng Basilan at Gensan sa South Division Quarter Finals noong Lunes.
Sinuspinde, Indefinitely, ng MPBL ang Star Forward ng Portmasters at pinagmulta ng 100,000 pesos.
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Kinondena ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang insidente, kasabay ng pagtiyak na hindi nila kinukunsinti ang mga kahalintulad na aksyon, lalo na sa Playoffs.
Nangyari ang insidente sa 8 minutes and 32 mark ng Fourth Quarter sa Game 2 ng Series, sa pagitan ng dalawang teams, sa Malolos Convention Center sa Bulacan.
Tila hindi nagustuhan ni Santos ang pagbunggo sa kanya ni Bringas na bigla niyang sinuntok sa mukha, dahilan para patawan siya ng Disqualifying Foul.
