NAGLABAS ng warrant of arrest ang Bacoor City Municipal Trial Court sa Cavite laban sa aktor na si Archie Alemania kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng singer-actress na si Rita Daniela.
Sa order na may petsang March 18, nakasaad na maaring mag-piyansa si Archie ng 36,000 pesos.
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Inihain ng Bacoor Prosecutor’s Office ang naturang kaso laban sa aktor noong Marso matapos makakita ng “Prima Facie Case with Reasonable Certainty of Conviction” sa reklamo ni Rita.
Inirekomenda rin na pagmultahin si Archie sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
Batay sa reklamo ng aktres, hinalikan at hinawakan siya dibdib ng aktor nang walang pahintulot at ilang ulit siyang sinabihan ng malalaswang salita matapos ang dinaluhan nilang thanksgiving party noong Setyembre ng nakaraang taon.
