Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) na naglalayong tugunan ang learning gaps sa bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sa ilalim ng bagong batas, magtatatag ng national learning intervention program para masiguro na makasasabay ang mga estudyante na nahihirapan na makasunod sa required standards.
Saklaw ng bagong batas ang mga estudyante sa K to 10.
Makatanggap ang mga estudyante ng sapat na oras para sa pag-aaral, matutunan nila ang essential learning competencies at makahahabol sa mga aralin.
Magsisilbing tutor sa ilalim ng ARAL program ang mga guro at Para-teachers habang maaring magboluntaryo bilang tutor ang mga kwalipikadong mag-aaral mula Senior High School hanggang kolehiyo.
Saksi sa paglagda ng batas sina Senate President Chiz Escudero, house Speaker Martin Romualdez at Education Secretary Sonny Angara. Nagpasalamat naman si Angara kay Pangulong Marcos sa pagsuporta sa bagong batas.