NAG-courtesy call kay Samar Governor Sharee Ann Tan sina Dr. Evelyn Tablante, ang bagong Provincial Director ng Department of Science and Technology (DOST), at Ms. Emelyn Maglahus, sa Governor’s Office sa Catbalogan City.
Tinalakay nila sa pulong ang paglikha ng Samar Provincial Science, Technology and Innovation Council at ng task force for science and technology.
Ito ay upang matiyak ang maayos na daloy ng implementasyon ng programang Innovation, Science and Technology for Accelerating Regional Technology-based Development (START), pati na ng iba pang science, technology, innovation, research and development initiatives sa Samar.
Simula noong 2019 ay mahigpit na ang ugnayan ng provincial government sa DOST para sa iba’t ibang mga proyekto at programa sa Samar.