Mariing kinondena ng Amerika ang mga mapanganib na aksyon na ginagawa ng China sa South China Sea.
Sa opening statement sa ASEAN-US Summit sa Vientiane, Lao Peoples’ Democratic Republic, sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na na labis na nakababahala ang tumataas na insidente ng mapanganib at iligal na aksyon ng China sa South China Sea.
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Ayon kay Blinken, ang mga agresibong aksyon ng China ay nakasasakit na ng mga tao, nakapipinsala ng mga barko ng ASEAN countries at taliwas sa commitments para sa mapayapang resolusyon ng away.
Iginiit ni Blinken ang patuloy na suporta ng Amerika sa freedom of navigation at freedom of overflight sa Indo Pacific.
Sa intervention naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang diin nito na ang seguridad at kasagaan ng ASEAN ay pinalalakas ng patuloy na suporta ng mga partner nito.
Kaya naman nagpasalamat ang Pangulo sa maaasahan at aktibong presensya ng Amerika sa rehiyon.
Tinawag nito ang Amerika na pwersang magsusulong ng kapayapaan, katatagan at seguridad sa Indo-Pacific. Ayon kay Pangulong Marcos, pinahahalagahan nito ang tuloy-tuloy na suporta ng Amerika para sa ASEAN Centrality.