OPISYAL nang inilunsad ang Samar Island Institute of Medicine (SIIM) sa Samar State University (SSU) sa Catbalogan City.
Magsisilbi itong mahalagang pwersa sa pagpapaunlad ng medical workforce sa isla at tutugon sa healthcare challenges sa rehiyon.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ang Inauguration Ceremony ay pinangunahan ng matataas na opisyal, gaya nina Governor Sharee Ann Tan, Congressman Reynolds Michael Tan, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, SSU President Redentor Palencia, dating SSU President Marilyn Cardoso, at ched Regional Director Maximo Aljibe.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Tan na ang Samar Island Institute of Medicine ay hindi lamang katuparan ng matagal nang pangarap, kundi mahalagang investment para sa kinabukasan ng Samar.
Isa aniya itong commitment na magbibigay ng katiyakan sa mga tao na magkakaroon sila ng access sa quality healthcare at education.
