POPOSASAN si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo habang nakasuot ng bulletproof vest at paliligiran ng police escorts kapag inilipat sa senado para dumalo sa pagdinig kaugnay ng illegal POGOs, ngayong lunes.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, alas otso ng umaga aalis sa pnp Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City ang convoy na magdadala kay Guo para sa senate hearing na itinakda mamayang 10 am.
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Tiniyak ni Fajardo na mahigpit na susundin ng law enforcers ang protocols sa pag-biyahe kay Guo patungong senado sa Pasay City.
Ito’y matapos ipag-utos ng Tarlac Court sa PNP Custodial Center na dalhin si Guo sa senado ngayong lunes makaraang katigan ng korte ang hiling ng mataas na kapulungan na dumalo ang dating alkalde sa hearing.