UMANGAT sa No. 55 ang Ranking ni Filipina Tennis Player Alexandra Eala sa Women’s Tennis Association Singles.
Ayon sa Philippine Sports Commission, ito ay bagong Career-High para kay Eala.
Batay sa Live WTA Ranking, Six Levels ang iniangat ni Eala mula sa No. 61 Rank nang mag-kampeon siya sa Guadalajara 125 Open sa Mexico.
Sa ngayon ay pasok na sa Quarterfinals si Eala sa nagpapatuloy na Sao Paulo Open sa Brazil.




