NAKATAKDANG makaharap ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang American player na si Alycia Parks sa kanyang Main Draw Debut sa Australian Open.
Ang bente singko anyos na si Parks na kasalukuyang Ranked No. 100 sa Women’s Tennis Association (WTA) at dating umabot sa career-high ranking na No. 40 noong 2023.
ALSO READ:
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Ito ang unang pagsabak ni Eala sa Australian Open Main Draw, kasunod ng Main Draw appearances sa tatlong iba pang Grand Slam Tournaments.
Ang bente anyos na Pinay ay kagagaling lamang sa Semi Final appearance sa ASB Classic sa New Zealand at pagkapanalo laban kay Donna Vekic ng Croatia sa Exhibition Match sa Kooyong Classic.
