KINAPOS ang Filipina tennis star na si Alex Eala kay Lulu Sun ng New Zealand sa score na 6-3, 4-6, 2-6, sa Semi Finals ng Jingshan Tennis Open, sa China.
Ito na ang ikalawang Career Loss ng bente anyos na Pinay kay Sun, kasunod ng naunang paghaharap nila sa Wimbledon Qualifiers noong nakaraang taon.
Nakarating ng Semi Finals si Eala sa Jingshan Open matapos padapain sina Aliona Falei ng Belarus, Mei Yamaguchi ng Japan, at Jia-Jing Lu ng China.




