PATULOY ang paggawa ng kasaysayan ng Filipinas Tennis Star na si Alex Eala, makaraang masungkit ang kanyang kauna-unahang titulo sa WTA 125.
Pinayuko ni Eala si Panna Udvardy ng Hungary sa score na 1-6, 7-5, 6-3 sa Finals ng Guadalajara 125 Open.
Pinoy Boxer Eman Bacosa, nananatiling Undefeated kasunod ng Unanimous Decision Win laban kay Nico Salado
Alas Pilipinas, kinapos laban sa Iran sa Asian Youth Games
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Justin Brownlee at Ange Kouame, pangungunahan ang Gilas Pilipinas sa Bangkok SEA Games
Bukod napanulunan niyang trophy sa unang pagkakataon, ito rin ang unang beses na manalo ang isang Pilipino ng WTA 125 Title.
Noong Hunyo ay kinilala si Eala bilang kauna-unahang Pinoy na nakarating sa WTA Finals kung nakakuha siya ng spot sa Eastbourne Open Championship Match.
Gayunman, kinapos ang bente anyos na Pinay kay Maya Joint ng Australia na nakakuha ng titulo.
Si Eala rin ang unang Pilipino na nanalo sa Grand Slam Main Draw Match, kung saan tinalo nito si Clara Tauon ng Denmark sa Opening Round ng US Open.
