PINADAPA ng tambalan nina Alex Eala at Iva Jovic sa score na 7-6 (7), 6-1 ang tandem nina Venus Williams at Elina Svitolina sa Round 16 ng ASB Classic Women’s Doubles, sa New Zealand.
Pinatalsik ng bente anyos na Pinay at disi-otso anyos na American ang veteran duo na 45-year-old na si Williams at 31-year-old na si Svitolina na kasalukuyang World No. 13.
ALSO READ:
Mike Phillips, binigyang ng full local status ng FIBA para sa Gilas Pilipinas, ayon sa SBP
Gilas players, malapit ng makumpleto sa training sa inaasahang pagdating ni Quentin Millora-Brown
Pinay Tennis Ace Alex Eala, uusad sa Round of 16 ng Dubai Open
June Mar Fajardo, pangungunahan ang Gilas Pilipinas sa Window 2 ng World Cup Asian Qualifiers
Natakasan ng Filipina-American pair ang mahigpit na Opening Set bago nadomina ang sumunod na frame para tuluyang paalisin sina Williams at Svitolina mula sa doubles action.
Hihintayin pa nina Eala at Jovic kung sino sa tambalang Asia Muhammad at Erin Routliffe o Jesika Maleckova at Renata Zarazua ang susunod nilang makakalaban.
