NA-meet ni Alden Richards si Tom Cruise sa premiere ng “Mission Impossible: The Final Reckoning” sa South Korea.
Sa Instagram, unang ibinahagi ni Alden ang mga larawan niya suot ang kulay royal blue jacket at black pants habang nasa red carpet.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Ilang sandali pa ay shi-nare ng aktor ang mahabang video ng kanyang pakikipag-usap sa Hollywood star.
Matapos mag-shake hands ay nag-usap ang dalawa kung saan tila seryosong nakikinig si Tom sa sinasabi ni Alden.
Sa caption, inilagay ni alden ang “Ethan meets Ethan,” na tumutukoy sa pangalan ng kanilang sikat na movie characters.
