SASABAK ang Alas Pilipinas Men sa Do-or-Die Match laban sa Iran, na magdedetermina sa kanilang kapalaran sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship.
Makakasagupa ng mga Pinoy ang World No. 15 na Iranians, mamayang ala singko y medya ng hapon, kung saan ang mananalong koponan ay aabante sa Round of 16 habang ang matatalo ay hindi na mapapabilang sa Contention.
ALSO READ:
Bagaman mas mataas ang inaasahan sa koponan ngayon, gagamitin ng Alas Men ang kaparehong mentalidad na kanilang ginamit nang masungkit ang makasaysayang panalo laban sa Egypt noong Martes ng gabi.




