PUSPUSAN na ang paghahanda ng Pilipinas Men’s and Women’s National Volleyball Teams para sa nalalapit na International Tournaments.
Sa magkahiwalay na posts ng Alas Pilipinas sa kani-kanilang Official Social Media Accounts, ibinahagi ang preparasyon ng mga koponan para sa panibagong Tour of Duty para sa bansa.
China, pinadapa ng Team Philippines sa Men’s Floorball sa World Games
Jiu-Jitsu Fighter Kaila Napolis, nasungkit ang Silver Medal sa World Games
Coach ng Saudi Arabia, pinaghahandaan ang ‘Very Difficult’ Playoff game laban sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup
Filipinas, umakyat sa No. 39 sa FIFA Women’s World Rankings
Magsisilbing host ang Pilipinas ng FIVB Men’s Volleyball World Championship na itinakda sa Sept. 12 hanggang 28.
Makakasagupa ng Alas Men ang Iran, Egypt at Tunisia sa Pool A ng tournament.
Para naman sa Alas Women, balik ang Squad sa Taraflex para mag-training para sa Second Leg ng 5th SEA Women’s V.League.
Umaasa ang Pilipinas na masusungkit ang mailap na gold at silver sa Second Leg ng SEA V.League, na gaganapin sa Aug. 8 hanggang 10 sa Vietnam.