MULING ipatutupad ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang “Alas Kwatro Kontra Mosquito Campaign” bilang bahagi ng Dengue Prevention Control.
Bunsod ito ng inaasahang pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa panahon ng tag-ulan.
Hinikayat ng DOH-Eastern Visayas ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga LGUs, mga paaralan, at unibersidad na sundin ang sumusunod na hakbang:
𝟭. Palakasin ang Community-level Implementation sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Daily Synchronized Source Reduction at Clean-up Drives sa mga barangay, lalo na sa mga Dengue Hotspot Areas.
𝟮. Magsagawa ng Clean-up Drives at Dengue Awareness Activities sa mga paaralan kabilang ang mga TESDA-Accredited Institutions.
𝟯. At palakasin ang Health Promotion at Dengue Awareness Activities.