BINUKSAN na sa Samar Provincial Capitol sa Catbalogan City ang Alagang Tingog Center.
Layunin nito na magbigay ng accessible at responsive public services sa mga residente ng Samar, na isang malaking hakbang upang mapagbuti ang government outreach sa rehiyon.
Ang seremonya ay dinaluhan ng malalaking opisyal, kabilang sina Samar Governor Sharee Ann Tan, cong. Michael Tan, at Tingog Party-List Rep. Jude Acidre.
Ang Alagang Tingong Center na may service vehicle, ay idinesenyo para magsilbing hub para sa iba’t ibang public services, kabilang ang medical assistance, educational support, at community outreach programs.