20 August 2025
Calbayog City
National

AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na magpapatuloy ang kanilang ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP), sa kawalan ng Proposed Budget Allocations para sa susunod na taon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mayroon pang pondo ang DSWD na maaring gamitin hanggang sa susunod na taon.

Aniya, hindi nila napondohan sa 2026 National Expenditure ang AKAP, dahil nasa 11 billion pesos ang natitirang pondo sa ilalim ng programa.

Naging kontrobersyal ang AKAP Program matapos itong tawagin ng ilang mambabatas bilang bagong “pork” para sa mga opisyal ng pamahalaan.

Idinagdag ng kalihim na ipauubaya na nila sa kongreso kung nais nilang lagyan ng pondo ang AKAP sa 2026.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).