SAMPU katao ang patay sa pag-atake ng mga rebelde sa Congo sa Central Africa.
Ayon sa mga otoridad, sinalakay at kinubkob ng m23 rebels ang bayan ng Nyanzale sa silangang bahagi ng Congo.
Bunsod nito, libo-libong katao na ang lumikas patungong Goma City.
Inaasahan ng mga otoridad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang pag-atake.