14 November 2024
Calbayog City
Overseas

Airlines, sinuspinde ang flights patungong Haiti matapos pagbabarilin ang isang eroplano 

IBA’T ibang airlines ang nagsuspinde ng flights sa Haiti makaraang isang pampasaherong eroplano mula sa U-S ang pinagbabaril habang sinusubukang mag-landing sa Port-Au-Prince.

Bunsod nito, nag-divert ang Spirit Airlines Flight 951 mula Fort Lauderdale sa Florida, sa katabing Dominican Republic, kung saan ligtas itong nakalapag sa Santiago Airport.

Isang flight attendant ang bahagyang nasugatan at wala namang pasahero na nasaktan sa naturang pag-atake, na kagagawan umano ng mga armadong grupo na nagpapalala ng kaguluhan sa bansa.

Ayon sa Spirit Airlines, nagkaroon ng mga butas ang kanilang eroplano matapos tamaan ng mga bala, nang inspeksyunin sa santiago airport.

Dalawa  pang U-S Airlines na kinabibilangan ng American Airlines at Jetblue ang nagsuspinde rin ng flights patungong Haiti, hanggang Huwebes.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).