BAHAGYANG tumaas ang farm output ng bansa noong fourth quarter ng 2025, bunsod ng pagtaas sa livestock, poultry at fisheries, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa statistics agency, umabot sa 487.04 billion pesos ang value ng agriculture and fisheries production noong Oktubre hanggang Disyembre.
Mas mataas ito ng 0.5% mula sa 484.59 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Sinabi ng PSA na malaki ang naiambag ng livestock, poultry, at fisheries production sa naturang paglago, kabaliktaran ng crop production na bumagsak noong huling quarter ng 2025.




