LUMOBO ng 2.2% o sa 1.03 billion dollars ang trade deficit sa Agricultural Goods Trade noong Enero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang agricultural exports ng 1.3% o sa 706.41 million dollars, na kumakatawan sa 10% ng total exports.
Tumaas naman ang imports ng agricultural commodities ng 0.7% o sa 1.74 billion dollars, na kumakatawan naman sa 15.6% ng overall farm inputs.
Samantala, pumalo sa 57.43 million dollars ang agricultural shipments sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Enero, kung saan nangunang buyer ang Malaysia.




