PATAY sa pamamaril ang Isang lalake, umaga ng Lunes, December 11, 2023 sa Barangay Tigbawan, Leyte, Leyte.
Ang biktima ay kinilalang si Alnie Lazo, 43 anyos, may asawa, tatlo ang anak at residente ng Sitio Bunga, Barangay Tigbawan, Leyte, Leyte.
Hindi naman nakilala ang suspek na bumaril sa biktima.
Nabatid na si Lazo ay body guard ni Jed Granados, supporter ni dating Congressman Vicente Ching Veloso.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang motibo sa krimen.