NAGSASAGAWA na ng Moto Propeo Investigation ang PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies hinggil sa nag viral na pagsipa ng security guard ng isang mall sa batang nagtitinda ng sampaguita, Mandaluyong City.
Sinabi ni PNP Civil Security Group Spokesperson, Lt. Col. Eudisan Gultiano, ipatatawag nila ang security guard kasama na ang security agency nito upang pagpaliwanagin sa naturang insidente.
Tiniyak ni Gultiano na makikipagtulungan sila sa local police na nakasasakop ng pinangyarihan ng insidente upang malaman kung mayroong inihaing reklamo ang biktima laban sa guwardiya na magiging basehan sa pagsasampa ng administrative case.
Idinagdag ng opisyal na posibleng may paglabag sa conduct decorum ang security guard kaugnay ng inasal nito sa biktima.