PINANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang growth forecast nito para sa Pilipinas ngayong 2023 at sa 2024, dahil sa inaasahang magpapatuloy ang matatag na domestic demand.
Sa latest Asian Development Outlook Report, pinanindigan ng multilateral lender ang Gross Domestic Product (GDP) Growth Projection nito sa Pilipinas na 5.7 percent ngayong taon at 6.2 percent sa susunod na taon.
Dahil sa forecast ng adb sa Pilipinas, inaasahan ang bansa na magiging fastest-growing economy sa Southeast Asia ngayong 2023 at sa 2024.
Gayunman, ang mga naturang projections ay mas mababa kumpara sa 6.7 hanggang 6.8 percent na growth targets ng pamahalaan para sa magkasunod na taon.