NAPUNO na si Venezuelan Acting President Delcy Rodriguez sa mga utos ng Estados Unidos.
Sa kabila ito ng kanyang pagsisikap na mapagkaisa ang bansa matapos arestuhin ng US forces ang kanilang dating pangulo na si Nicolas Maduro.
ALSO READ:
Makalipas ang halos isang buwan sa bagong pwesto, pumalag si Rodriguez sa US, sa gitna ng ongoing pressure, kabilang na ang sunod-sunod na demands sa Venezuela para ipagpatuloy ang oil production.
Sa harap ng grupo ng oil workers sa Puerto La Cruz City, sinabi ng acting president na tama na ang mga utos ng Washington sa mga politiko sa Venezuela.
Idinagdag ni Rodriguez na hayaan ng US ang Venezuelan politicians na resolbahin ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan, gayundin ang internal conflicts.




