PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang paglulunsad ng abaca nursery at ceremonial distribution ng abaca seedling, sa Barangay Gabay.
Bilang bahagi ng programa, sampung benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Calbayog ang tumanggap ng kabuuang 200 abaca suckers, hudyat ng pagsisimula ng pagbuhay sa abaca farming sa lungsod.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Isinagawa ang aktibidad sa tulong at suporta ni PHILFIDA Regional Director Joseph Salas na nagbigay diin sa kahalagahan ng abaca sa heritage o pamana at industriya.
Binigyang diin din ni Mayor Mon na ang Abaca Nursery Project ay isang hakbang upang matiyak ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Calbayog habang pinangangalagaan ang kultura ng lungsod para sa mga darating na henerasyon.
