PASOK sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 2.4 percent inflation rate na naitala para sa buwan ng Pebrero.
Una nang naglabas ng pagtaya ang BSP na aabot sa 2.3 hanggang 3.1 percent ang maitatalang inflation rate.
Sinabi ng BSP na nananatiling manageable ang inflation.
Samantala, sinabi ng BSP na patuloy itong nakaantabay sa mga nangyayari sa Gitnang Silangan dahil sa posibleng epekto nito sa near-term inflation.




