22 November 2024
Calbayog City
Metro

Partial Operation sa MRT-7, target simulan sa huling quarter ng 2025

TARGET ipatupad ang Partial Operation sa MRT Line 7 sa ika-apat na quarter ng 2025, ayon sa Department of Transportation.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na sisikaping patakbuhin sa huling bahagi ng susunod na ang Quezon City Portion na binubuo ng labindalawang istasyon.

Samantala, ang Tala Station naman sa Caloocan City ay inaasahang makukumpleto sa 2026.

Idinagdag ni Aquino na umaasa rin silang matatapos ang konstruksyon ng ika-labing apat na istasyon sa san Jose Del Monte sa Bulacan sa 2027 sa sandaling maresolba ang isyu sa alignment.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *