15 March 2025
Calbayog City
Overseas

6 katao, patay sa pananaksak sa 1 shopping mall, sa Australia

6 ang patay sa pananaksak sa isang shopping mall malapit sa Bondi Beach, sa Sydney, Australia.

Napaslang naman ng rumespondeng pulis ang attacker na tinayang nasa apatnapung taong gulang.

Ayon kay New South Wales Police Commissioner Karen Webb, isang siyam na buwang gulang na sanggol ang kabilang sa walong nasugatan sa naturang pag-atake.

Limang babae at isang lalaki ang binawian ng buhay sa pananaksak ng salarin na pinaniniwalaan ng mga otoridad na walang kinalaman sa terorismo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *