2 November 2025
Calbayog City
National

85 percent ng mga Pinoy, walang tiwala sa China, batay sa OCTA Survey

MALAKING porsyento ng mga Pilipino ang walang tiwala sa China at itinuturing ito bilang pinakamalaking banta sa Pilipinas bunsod ng agresibo nitong mga hakbang sa West Philippine Sea.

Batay sa Survey ng OCTA Research na isinagawa noong July 12 hanggang 17, lumitaw na 85 percent ng 1,200 respondents ang hindi nagtitiwala sa China habang 15 percent ang nagsabing dapat itong pagtiwalaan.

Ang pinakabagong pigura ay mas mababa mula sa kaparehong Survey na isinagawa ng OCTA noong March 2024, kung saan 91% ng respondents ang nagsabing wala silang tiwala sa China.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.