LIMANG Dam sa Luzon ang nagbukas ng ilan sa kanilang Gates, kahapon, bago tumama sa kalupaan ang Super Typhoon Uwan.
Ayon sa PAGASA, tig-tatlong Gates sa Angat Dam at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan ang binuksan, para magpakawala ng 462 cubic meters per second at 406.9 cubic meters per second na tubig.
Sa Benguet, tig-dalawang Gates ng Ambuklao at Binga Dams ang binuksan din para mag-discharge ng 149.48 cms at 163.27 cms ng tubig.
Samantala, ang Magat Dam naman na nasa mga lalawigan ng Ifugao at Isabela ay nagbukas din ng dalawang Gates para magpakawala ng 894.5 cubic meters per second na tubig.




