NAKIPAG-partner ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa labintatlong lugar sa kahabaan ng Sogod Bay sa Southern Leyte para ipatupad ang Foreign-Backed Fishery Management Project.
Ang naturang baybayin ay kabilang sa Fisheries Management Area (FMA) na tinukoy bilang prayoridad sa seven-year project na naglalayong palakasin ang fishing communities, mag-adopt ng climate-resilient fisheries technologies at ma-sustain ang pamamahala sa fishery resources.
Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Regional Director Hannibal Chavez na ang mga lugar na saklaw ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FISHCORE) Project ay makatatanggap ng rehabilitation support para sa coastal at marine habitats.
Ang mga lugar na saklaw ng proyekto ay ang Sogod, Libagon, Liloan, San Francisco, San Ricardo, Pintuyan, Padre Burgos, Macrohon, Malitbog, Tomas Oppus, Bontoc, Limasawa, at Maasin City.
Inisyal na tatlumpu’t limang milyong piso ang inilaan para sa unang tatlong taon ng implementasyon ng proyekto sa rehiyon.