SINUSPINDE ang face-to-face classes sa Batasan High School sa Quezon City matapos makatanggap ng bomb threat.
Pasado alas onse ng tanghali, kahapon, nang makita ang isang post sa facebook post ng paaralan, na mayroong labinlimang bomba na itinanim sa campus.
ALSO READ:
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Nakasaad din na sasabog ang mga bomba, pagsapit ng alas dos ng hapon.
Gayunman, matapos magsagawa ng inspeksyon ang Quezon City Police District Bomb Squad, ay walang natagpuang mga eksplosibo sa eskwelahan.
Dahil dito, nagpatupad na lamang ang paaralan ng asynchronous classes para sa panghapong klase.
