NASA Cagayan na ang team mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Design para i-assess ang bumagsak na tulay sa Piggatan, Alcala.
Sinabi ni DPWH First District Engineer Oscar Gumiran na matutukoy sa gagawing Assessment ang lawak ng pinsala at gagawa ng komprehensibong plano para sa agarang Repair o Reconstruction ng tulay.
ALSO READ:
Nabatid na ang apatnapu’t limang taong gulang na Piggatan Bridge ay idinesenyo para sa bigat na labing walong tonelada.
Noong Lunes ay bumagsak ang tulay matapos magtangkang tumawid ang apat na trak, na ikinasugat ng pito katao.
Isa sa mga trak ay may kargang palay, isa naman ay Construction Materials, habang ang dalawang iba pa ay walang laman.