AYAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madaliin ang pagpapanagot sa mga iniiimbestigahan sa korapsyon sa Pamahalaan.
Sa panibagong episode ng kaniyang Podcast, sinabi ng pangulo na mahirap namang basta isampa sa Korte ang kaso kung puro akusasyon lamang ang pinanghahawakan dahil maaaring hindi manalo sa Korte ang kaso.
Ayon sa pangulo kung dadalhin na sa Korte ang kaso dapat ay malakas at matibay ang ebidensya para siguradong mananagot ang may sala.
Sinabi ng pangulo kung mamadaliin ang kaso nang walang sapat at matibay na ebidensya ay mababasura lamang ito.
Sa ngayon ay gumugulong ang imbestigasyon ng binuong Independent Commission for Infrastructure at bahagi ng mandato nito ang kasuhan ang mga nasa likod ng anomalya sa Government Infrastructure Projects sa nakalipas na sampung taon.