TINUPOK ang Warehouse na naglalaman ng mga Plastic sa loob ng isang Residential Subdivision sa Valenzuela City.
Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang isang residente na nakatira sa harapan ng nasunog na Warehouse.
ALSO READ:
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nilamon ng apoy ang buong Warehouse.
Sinuspinde rin ang klase sa kalapit na paaralan dahil sa Fumes mula sa sunog.
Inaalam pa ng Arson investigators ang sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.