MALAKING bahagi ng operasyon ng US Government ang nag-shutdown matapos hindi magkasundo ang mga mambabatas sa isang Funding Deal.
Pinangangambahan na makaaapekto ito sa trabaho ng daan-daanlibong indibidwal at posibleng makaantala sa mga serbisyo ng pamahalaan.
Ito ang unang beses na nagsara ang gobyerno ng Amerika sa loob ng anim na taon.
Wala pa ng kasiguraduhan kung kailan babawiin ang Shutdown.