PERSONAL na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno ang donasyong 1,000 Units ng Tablets mula kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Vice President for Community Relations Eric Balcos.
Sinabi ni Moreno na gagamitin ang naturang Gadgets sa mga Health Center upang makatulong sa mas mabilis at maayos na pagproseso ng impormasyon.
Masigasig na nag-iikot sa Maynila ang mga Barangay Health Worker at Barangay Nutrition Scholar sa bawat tahanan upang kumuha ng impormasyon at tulungan ang mga residente na makapagpa-miyembro sa PhilHealth.
Labis ang pasasalamat ng alkalde sa PAGCOR dahil sa kanilang suporta upang maihatid ang mas mabilis, moderno, at mas malawak na serbisyo para sa mga taga-Maynila.