NAKIPAGPULONG si North Korean Foreign Minister Choe Son Hui sa Top Diplomat ng China na si Wang Yi sa Beijing sa ikalawang pagbisita nito sa kabisera ng bansa sa loob lamang ng isang buwan.
Sa pahayag ng Chinese Foreign Ministry, tiniyak ni Wang kay Choe na handa ang China na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa Democratic People’s Republic of Korea sa International at Regional Affairs.
ALSO READ:
Indian Police, kinasuhan ang partido ng actor-politician kasunod ng stampede na pumatay ng halos 40
Typhoon Ragasa, nag-landfall sa China matapos pumatay ng 17 sa Taiwan
US President Donald Trump, nilagdaan ang Order para targetin ang Antifa bilang Terrorist Organization
North Korean Leader Kim Jong Un, bukas na makipag-usap kung titigilan ng US ang Demand na Denuclearization
Ayon sa mga analyst, nais ni North Korean Leader Kim Jong Un na bumalik sa World Stage.
Una nang bumiyahe ang Reclusive Leader kasama si Choe sa Beijing noong unang bahagi ng Setyembre para dumalo sa malawakang Military Parade, kung saan inimbitahan din ni Chinese President Xi Jinping si Russian President Vladimir Putin.