IPINAG-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang paglalagay ng dalawa pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, na hindi pa gumagana simula nang makumpleto noong 2020.
Sinabi ni Dizon na ang Temporary Pumps ay makatutulong upang mabawasan ang pagbaha sa lugar habang iniimbestigahan ang Pumping Facility.
Aniya, mayroon ng dalawang Temporary Pumps na in-install ang dating supplier, at pinadagdagan niya ito ng dalawa pa.
Nadiskubre ng DPWH na sa halip na makabawas sa baha ay pinalala ng pasilidad ang sitwasyon sa lugar, at wala rin itong Building Permits at linya ng kuryente.
Sa kabila rin ng hindi maresolbang mga depekto ay nakatakda pang tumanggap ang Pumping Station ng additional 94 million pesos para sa Upgrades, at Proposal na karagdagang 200 million pesos.




