MANGUNGUTANG ang National Government ng 437 billion pesos mula sa Domestic Market sa fourth quarter.
Ayon sa Bureau of Treasury, 262 billion pesos ang uutangin sa pamamagitan ng issuance ng Treasury Bills at 175 billion pesos sa Treasury Bonds, sa Oktubre hanggang Disyembre.
Ang Borrowing Plan para sa huling quarter ng taon ay 36.6 percent na mas mababa kumpara sa 690-billion peso Borrowing Plan ngayong third quarter.
Mas mababa rin ito ng 31.45 percent mula sa 637.448 billion pesos na aktwal na inutang ng pamahalaan simula Hulyo hanggang Setyembre.