DALAWA punto pitong milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska kasabay ng pag-aresto ng mga tauhan ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) sa dalawang suspek, sa Basilan.
Ayon kay WMNC Commander Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., nasabat ang mga kontrabando sa katubigang sakop ng bayan ng Hadji Muhtamad.
Ang dalawang tripulante na kapwa residente ng Basilan, ay nasa kustodiya ng mga awtoridad, pati na ang mga kinumpiskang produkto.
Sinabi ni Reyes na nagsasagawa ng Maritime Security Patrol ang BRP Herminigildo Yurong nang matiyempuhan nila ang M/B Water Blade na may kargang 40 Master Cases ng iba’t ibang foreign brand ng sigarilyo.
Itinurnover ang mga kinumpiskang produkto at vessel sa Bureau of Customs – Port of Zamboanga para sa proper disposition at kasunod ng Joint Inventory kasama ang WMNC.