1 October 2025
Calbayog City
National

Higit 50,000 na pulis, ipakakalat sa isasagawang mga Kilos Protesta sa Sept. 21

MAGDE-DEPLOY ng mahigit 50,000 na tauhan ang Philippine National Police para sa mga isasagawang pagtitipon sa September 21.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang mga ide-deploy ay aatasang tiyakin ang police visibility, maging bahagi ng standby units, tumulong sa pag-mando ng traffic, magtalaga ng checkpoints, at border control.

Sinabi ni Remulla na trabaho ng PNP na tiyaking walang magaganap na kaguluhan sa mga pagtitipon. 

Ani Remulla, hindi pipigilan ng mga pulis ang isasagawang protesta dahil pinapayagan naman ang ganitong uri ng pagtitipon basta’t may karampatang permit. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.